This word is from the Spanish vascongado.
baskongado
Basque
This often refers to a person of Basque heritage. The Basque people live in the western Pyrenees regions in France and Spain. They speak their own Basque language.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kaniya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kaniyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin nang tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento. (– Noli Me Tangere)
* Bagaman ngayon ay napagkakamalan ang mga Basco o Baskongado bilang Kastila dahil sa kanilang madalas na ginagamit na wika, ang totoo ay katangi-tangi ang mga Baskongado — para silang nasa pagitan ng Espanya at Pransya, at sila ay mayroong kanilang sariling lengguwahe.
Nakikila ang mga Baskongado sa kanilang mga apelyido. Mga halimbawa: Elizalde, Elizondo, Ibarra (na ang ibig sabihin ay “valley”), Mendoza, Ochoa, Zubiri, Yñigo
Dahil wala silang kanilang sariling bansa, ang mga Baskongado ay gumagamit ng pasaporte ng Espanya o Pransya. Karamihan sa kanila ay nagsasabi na sila rin ay mamamayan ng Espanya o Pransya, datapwat may iilan din na nais ipaibabawin ang kanilang pagiging Baskongado.


thank you for your giving me a great definition i hope you will do a great job again.😃😃