Balut, Penoy…

🐣 🥚

Halos araw-araw, sa tapat ng aming bahay
Mayroong isang babae lagi nang nagdaraan.

Sulong ay bilao, kung lumakad ay paimbay.
At ang wika ay ganito sa gitna ng daan.

Balut! Penoy! Balut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay mainam na gamot
sa mga taong laging nanlalambot.

Balut! Penoy! Balut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay pampalipas ng pagod
at mabisang pampalakas ng tuhod.

Bili na kayo… ng aming balut!

Ale! Aleng tindera…
Magkakano pong isa?

Tatlong piso po lamang.

Kung gayon ay pakibigyan kahit ilan.

Balut! Penoy! Balut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay mainam na gamot
sa mga taong laging nanlalambot.

Balut! Penoy! Balut!
Bili na kayo ng itlog na balut!
Sapagkat itong balut ay pampalipas ng pagod
at mabisang pampalakas ng tuhod.

Penoy! Balut!
Penoy! Balut!
Penoy! Balut!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *