Bahagi ng Aklat

Mga Bahagi ng Aklat

Ang karaniwang bahagi ng aklat ay ang sumusunod:

Pabalat – Dito makikita ang pamagat ng aklat at ang pangalan ng awtor o may-akda.

Pamagat – Ito ang pangalan ng aklat.

Pahina ng Pamagat – Nakasulat dito ang pangalan ng aklat, tagalimbag, at ang lugar at taon na nailimbag ang aklat.

Pahina ng Karapatang-ari – Makikita rito ang karapatang-ari ng tagalimbag, kung ilang edisyon, kailan inilimbag, at maikling impormasyon tungkol sa awtor.

Paunang Salita – Ito ang nagsisilbing introduksiyon o panimulang salita tungkol sa aklat.

Talaan ng Nilalaman – Listahan ng pamagat ng mga yunit, aralin, at kasanayan, at ang bilang ng pahina na katatagpuan ng mga ito.

Katawan ng Aklat – Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat.

Talasanggunian – Dito makikita ang pinagkunan o pinagbatayan ng impormasyon ng awtor.

Most books have the following parts: Cover, Title, Title Page, Copyright Page, Introduction, Table of Contents, Body of the Book, References

Ano ang paborito mong parte ng libro? 📖

12 thoughts on “Bahagi ng Aklat”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *