root word: awáng
awangan: leave a space or gap
awangan: leave ajar or slightly open
inawangan: left a space or gap
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
awáng:puwáng, patlang, pagitan, espasyo
inaawangan, inawangan, aawangan
awangan: iwanan ng puwáng o espasyo
Kapag nagluluto ng gulay, awangan ang takip ng kawali para mapasingaw.
Inawangan niya ang bintanang tumutunghay sa hagdan upang kilalanin ang dumarating.
* Iba ito sa salitang awanggan.
