Article XVIII of Philippine Constitution

PREAMBLE ► ARTICLE I – National Territory ► ARTICLE II – Declaration of Principles & State Policies ► ARTICLE III – Bill of Rights ► ARTICLE IV Citizenship ► ARTICLE V – Suffrage ► ARTICLE VI – Legislative Department ► ARTICLE VII – Executive Department ► ARTICLE VIII – Judicial Department ► ARTICLE IX – Constitutional Commissions ► ARTICLE X Local Government ► ARTICLE XI – Accountability of Public Officers ► ARTICLE XII – National Economy and Patrimony ► ARTICLE XIII – Social Justice and Human Rights ► ARTICLE XIV – Education, Science and Technology, Arts, Culture & Sports ► ARTICLE XV – The Family ► ARTICLE XVI – General Provisions ► ARTICLE XVII – Amendments or Revisions ► ARTICLE XVIII – Transitory Provisions

Below is a side-by-side presentation of Article Eighteen (18) of the 1987 Philippine Constitution in the Filipino language and in English.

ARTIKULO XVIII ARTICLE XVIII
MGA TADHANANG LILIPAS
Transitory Provisions
SEKSYON 1. Ang unang halalan ng mga kagawad ng Kongreso sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1987.

Ang unang halalang lokal ay dapat iraos sa petsang itatakda ng Pangulo, na maaaring kasabay ng halalan ng mga Kagawad ng Kongreso. Dapat isabay dito ang halalan ng mga Kagawad ng mga sangguniang panlungsod o pambayan sa Metropolitan Manila area.
SECTION 1. The first elections of Members of the Congress under this Constitution shall be held on the second Monday of May, 1987.

The first local elections shall be held on a date to be determined by the President, which may be simultaneous with the election of the Members of the Congress. It shall include the election of all Members of the city or municipal councils in the Metropolitan Manila area.
SEKSYON 2. Ang mga Senador, mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ang mga pinunong lokal na unang inihalal sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat manungkulan hanggang sa katanghalian ng Hunyo 30, 1992.
Sa mga Senador na mahahalal sa halalan sa 1992, ang unang labindalawa na magtatamo ng pinakamataas na bilang ng mga boto ay dapat manungkulan sa loob ng anim na taon at ang nalalabing labindalawa sa loob ng tatlong taon.
SECTION 2. The Senators, Members of the House of Representatives, and the local officials first elected under this Constitution shall serve until noon of June 30, 1992.

Of the Senators elected in the election of 1992, the first twelve obtaining the highest number of votes shall serve for six years and the remaining twelve for three years.
SEKSYON 3. Ang lahat ng mga umiiral na batas, mga decree, mga kautusang tagapagpaganap, mga proklamasyon, mga liham tagubilin, at iba pang mga pahayag tagapagpaganap na hindi salungat sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipatutupad hangga't hindi sinususugan, pinawawalang-bisa, o pinawawalang-saysay.

SECTION 3. All existing laws, decrees, executive orders, proclamations, letters of instructions, and other executive issuances not inconsistent with this Constitution shall remain operative until amended, repealed, or revoked.
SEKSYON 4. Ang lahat ng mga umiiral na kasunduang-bansa o mga kasunduang internasyonal na hindi naratipikahan ay hindi dapat muling ipagpatuloy o palugitan nang walang pagsang-ayon ang dalawang-katlo man lamang ng mga Kagawad ng Senado. SECTION 4. All existing treaties or international agreements which have not been ratified shall not be renewed or extended without the concurrence of at least two-thirds of all the Members of the Senate.
SEKSYON 5. Ang anim na taong taning ng panahon ng panunungkulan ng kasalukuyang Pangulo at Pangawalang Pangulo na nahalal noong Pebrero 7, 1986, para sa layunin ng pagtutugma ng halalan, ay pinapalugitan sa pamamagitan nito hanggang sa katanghalian ng Hunyo 30, 1992.
Ang unang regular na halalan para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1992.
SECTION 5. The six-year term of the incumbent President and Vice-President elected in the February 7, 1986 election is, for purposes of synchronization of elections, hereby extended to noon of June 30, 1992.

The first regular elections for the President and Vice-President under this Constitution shall be held on the second Monday of May, 1992.

SEKSYON 6. Ang kasalukuyang Pangulo ay dapat magpatuloy sa pagtupad ng kapangyarihang tagapagbatas hanggang sa pulungin ang unang Kongreso.SECTION 6. The incumbent President shall continue to exercise legislative powers until the first Congress is convened.

SEKSYON 7. Hangga't hindi nagpapaptibay ng batas, maaaring humirang ang Pangulo mula sa listahan ng mga nominee ng kinauukulang mga sektor ng mga hahawak sa mga puwestong nakalaan para sa mga kinatawang sektoral sa ilalim ng Talaan (2), Seksyon 5 ng Artikulo VI ng Konstitusyong ito.SECTION 7. Until a law is passed, the President may fill by appointment from a list of nominees by the respective sectors the seats reserved for sectoral representation in paragraph (2), Section 5 of Article VI of this Constitution.
SEKSYON 8. Hangga't hindi nagtatadhana ng naiiba ang Kongreso, maaaring likhain ng Pangulo ang Metropolitan Authority na kabibilangan ng mga puno ng lahat ng unit ng pamahalaang lokal na bumubuo sa Metropolitan Manila Area.SECTION 8. Until otherwise provided by the Congress, the President may constitute the Metropolitan Authority to be composed of the heads of all local government units comprising the Metropolitan Manila area.
SEKSYON 9. Dapat magpatuloy sa pag-iral at pagkilos ang mga sub-lalawigan hangga't hindi nagagawang regular na lalawigan o hindi naibabalik ang mga bayang kasapi nito sa inang-lalawigan. SECTION 9. A sub-province shall continue to exist and operate until it is converted into a regular province or until its component municipalities are reverted to the mother province.
SEKSYON 10. Ang lahat ng mga hukumang umiiral sa panahon ng ratipikasyon ng Konstitusyong ito ay patuloy na tutupad ng kanilang hurisdiksyon, hangga't hindi nagtatakda ng naiiba ang batas. Ang mga tadhana ng umiiral na mga Alituntunin ng Hukuman, mga aktang panghukuman, at mga batas procedural na hindi salungat sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipinatutupad hangga't sinususugan o pinagwawalang-bisa ng Kataastaasang Hukuman o Kongreso. SECTION 10. All courts existing at the time of the ratification of this Constitution shall continue to exercise their jurisdiction, until otherwise provided by law. The provisions of the existing Rules of Court, judiciary acts, and procedural laws not inconsistent with this Constitution shall remain operative unless amended or repealed by the Supreme Court or the Congress.
SEKSYON 11. Ang kasulukuyang mga Kagawad ng Judiciary ay dapat magpatuloy sa panunungkulan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpung taon, o mawalan ng kakayahang tumupad sa mga tungkulin ng kanilang katungkulan, o tanggalin sa panunungkulan nang may kadahilanan. SECTION 11. The incumbent Members of the Judiciary shall continue in office until they reach the age of seventy years or become incapacitated to discharge the duties of their office or are removed for cause.
SEKSYON 12. Sa loob ng isang taon pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang Kataastaasang Hukuman ay kinakailangang maglagda ng isang sistematikong plano upang mapadali ang pagpapasya o resolusyon sa mga kaso o mga bagay-bagay na nabibimbin sa Kataastaasang Hukuman o sa mga nakabababang hukuman bago magkabisa ang Konstitusyong ito. Dapat magpasunod ng katularing plano para sa lahat ng mga tanging hukuman at mga kalupunang mala-panghukuman. SECTION 12. The Supreme Court shall, within one year after the ratification of this Constitution, adopt a systematic plan to expedite the decision or resolution of cases or matters pending in the Supreme Court or the lower courts prior to the effectivity of this Constitution. A similar plan shall be adopted for all special courts and quasi-judicial bodies.
SEKSYON 13. Ang epektong legal ng pagkalaos, bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang nararapat na panahon para sa pagpapasya o resolusyon ng mga kaso o mga bagay-bagay na idinulog para hatulan ng mga hukuman ay dapat pagpasyahan ng Kataastaasang Hukuman sa lalong pinakamadaling panahon pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito.SECTION 13. The legal effect of the lapse, before the ratification of this Constitution, of the applicable period for the decision or resolution of the cases or matters submitted for adjudication by the courts, shall be determined by the Supreme Court as soon as practicable.

SEKSYON 14. Ang mga tadhana ng mga talaan (3) at (4) ng Seksyon 15 ng Artikulo VIII ng Konstitusyong ito ay adapat sumaklaw sa mga kaso o mga bagay-bagay na idinulog bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, kapag ang nararapat na panahon ay lilipas pagkaraan ng gayong ratipikasyon. SECTION 14. The provisions of paragraphs (3) and (4), Section 15 of Article VIII of this Constitution shall apply to cases or matters filed before the ratification of this Constitution, when the applicable period lapses after such ratification.

SEKSYON 15. Ang kasalukuyang mga Kagawad ng Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Halalan, at Komisyon sa Audit ay dapat magpatuloy sa panunungkulan sa loob ng isang taon pagkaraan maratipikahan ang Konstitusyong ito, matangi kung maalis nang lalong maaga bunga ng makatwirang kadahilanan, o mabalda upang di na magampanan ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan, o mahirang sa bagong taning ng panunungkulan doon. Kailanman, ang sino mang Kagawad ay hindi dapat maglingkod nang matagal kaysa pitong taon kasama ang paglilingkod bago maratipikahan ang Konstitusyong ito. SECTION 15. The incumbent Members of the Civil Service Commission, the Commission on Elections, and the Commission on Audit shall continue in office for one year after the ratification of this Constitution, unless they are sooner removed for cause or become incapacitated to discharge the duties of their office or appointed to a new term thereunder. In no case shall any Member serve longer than seven years including service before the ratification of this Constitution.
SEKSYON 16. Ang mga kawani ng career civil service na itiniwalag sa lingkuran nang hindi sa makatwirang kadahilanan kundi bilang resulta ng reorganisasyon na alinsunod sa Proklamasyon Bilang 3 na may petsang Marso 25, 1986 at ang reorganisasyon kasunod ng ratipikasyon ng Konstitusyong ito ay dapat tumanggap ng nararapat na sahod sa pagkatiwalag, at ng mga benepisyo sa pagreretiro at iba pang mga benepisyo na nauukol sa kanila sa ilalim ng mga batas. Sa halip nito, sa kagustuhan ng mga kawani, sila ay maaaring isaalangalang para ma-employ ng pamahalaan, o sa alin man sa mga bahagi, mga instrumentality, o mga ahensya nito, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan at kanilang mga subsidiary. Sumasaklaw rin ang tadhanang ito sa career officers na ang pagbibitiw ay tinatanggap nang naaalinsunod sa umiiral na patakaran. SECTION 16. Career civil service employees separated from the service not for cause but as a result of the reorganization pursuant to Proclamation No. 3 dated March 25, 1986 and the reorganization following the ratification of this Constitution shall be entitled to appropriate separation pay and to retirement and other benefits accruing to them under the laws of general application in force at the time of their separation. In lieu thereof, at the option of the employees, they may be considered for employment in the Government or in any of its subdivisions, instrumentalities, or agencies, including government-owned or controlled corporations and their subsidiaries. This provision also applies to career officers whose resignation, tendered in line with the existing policy, had been accepted.
SEKSYON 17. Hangga't hindi nagtatadhana ng naiiba ang Kongreso, ang Pangulo ay dapat tumanggap ng sahod na tatlong daang libong piso; ang Pangalawang Pangulo, ang Pangulo ng Senado, ang Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at Pinunong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, dalawang daa't apatnapung libong piso bawat isa; ang mga Senador, ang mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang mga Kasamang Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, at ang mga Tagapangulo ng mga Komisyong Konstitusyonal, dalawang daa't apat na libong piso bawat isa; at ang mga Kagawad ng mga Komisyong Konstitusyonal, isang daa't walumpung libong piso bawat isa. SECTION 17. Until the Congress provides otherwise, the President shall receive an annual salary of three hundred thousand pesos; the Vice-President, the President of the Senate, the Speaker of the House of Representatives, and the Chief Justice of the Supreme Court, two hundred forty thousand pesos each; the Senators, the Members of the House of Representatives, the Associate Justices of the Supreme Court, and the Chairmen of the Constitutional Commissions, two hundred four thousand pesos each; and the Members of the Constitutional Commissions, one hundred eighty thousand pesos each.
SEKSYON 18. Sa pinakamaagang posibleng panahon, dapat itaas ng Pamahalaan ang antas ng sahod ng iba pang mga opisyal at mga kawani ng pamahalaang pambansa. SECTION 18. At the earliest possible time, the Government shall increase the salary scales of the other officials and employees of the National Government.
SEKSYON 19. Ang lahat ng mga ariarian, mga record, mga kagamitan, mga gusali, mga pasilidad, at iba pang mga ari-arian ng alin mang tanggapan o kalupunan na binuwag o nireorganisa sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 3 na may petsang Marso 25, 1986 o ng Konstitusyong ito ay dapat ilipat sa tanggapan o kalupunan na kinauukulan ng malaking bahagi ng mga kapangyarihan, mga gawain, at mga pananagutan nito. SECTION 19. All properties, records, equipment, buildings, facilities, and other assets of any office or body abolished or reorganized under Proclamation No. 3 dated March 25, 1986 or this Constitution shall be transferred to the office or body to which its powers, functions, and responsibilities substantially pertain.
SEKSYON 20. Dapat pagukulan ng priority ng unang Kongreso ang pagtatakda ng panahon para sa lubos na pagpapatupad ng libreng pambayan na edukasyong sekondarya. SECTION 20. The first Congress shall give priority to the determination of the period for the full implementation of free public secondary education.
SEKSYON 21. Dapat magtadhana ang Kongreso ng mabisang pamamaraan at sapat na mga remedyo para sa panunumbalik sa Estado ng lahat ng mga lupaing aring-bayan at mga karapatang real na kaugnay niyon na nakuha nang labag sa Konstitusyon o sa mga batas sa lupaing pambayan, o sa pamamagitan ng corrupt practices. Hindi dapat ipahintulot ang paglilipat o disposisyon ng gayong mga lupain o mga karapatang real hangga't hindi lumilipas ang isang taon mula sa ratipikasyon ng Konstitusyong ito. SECTION 21. The Congress shall provide efficacious procedures and adequate remedies for the reversion to the State of all lands of the public domain and real rights connected therewith which were acquired in violation of the Constitution or the public land laws, or through corrupt practices. No transfer or disposition of such lands or real rights shall be allowed until after the lapse of one year from the ratification of this Constitution.
SEKSYON 22. Sa pinakamaagang posibleng panahon, dapat ipamahagi ng pamahalaan ang gma tiwangwang o pinabayaang mga lupaing pang-agrikultura, gaya ng maaaring pagpapakahulugan ng batas, para maipamahagi sa mga benepisyo ng programa sa repormang pang-agrikultura. SECTION 22. At the earliest possible time, the Government shall expropriate idle or abandoned agricultural lands as may be defined by law, for distribution to the beneficiaries of the agrarian reform program.
SEKSYON 23. Ang mga advertising entity na apektado ng Talaan (2), Seksyon 11 ng Artikulo XVI ng Konstitusyong ito ay bibigyan ng limang taon mula sa ratipikasyon nito na tumupad nang bai-baitang at sa baseng proporsyonal sa minimum na pagmamay-aring Pilipino na kinakailangan para roon. SECTION 23. Advertising entities affected by paragraph (2), Section 11 of Article XVI of this Constitution shall have five years from its ratification to comply on a graduated and proportionate basis with the minimum Filipino ownership requirement therein.
SEKSYON 24. Dapat lansagin ang mga pribadong sundalo at iba pang mga armadong pangkat na hindi kinikilala ng awtoridad na itinatag gaya ng nararapat. Ang lahat ng pwersang para-militar, kabilang ang Civilian Home Defense Forces na hindi naaayon sa armadong hukbo ng mga mamamayan sa itinatag ng Konstitusyong ito ay dapat buwagin, o gawin, saan man naaangkop, na mga hukbong regular. SECTION 24. Private armies and other armed groups not recognized by duly constituted authority shall be dismantled. All paramilitary forces including Civilian Home Defense Forces not consistent with the citizen armed force established in this Constitution, shall be dissolved or, where appropriate, converted into the regular force.
SEKSYON 25. Sa pagwawakas sa 1991 ng Kasunduan ng Republika ng Pilipinas at ng United States of America tungkol sa Base Militar, ang mga dayuhang base militar, mga tropa o mga pasilidad ay hindi dapat pahintulutan sa Pilipinas maliban sa ilalim ng mga termino ng kasunduang-bansa na kinatigan gaya ng nararapat ng Senado, at kung hinihingi ng Kongreso ay niratipikahan sa pamamagitan ng mayoryang boto ng mga mamamayan sa isang referendum na iniraos para sa layuning iyon, at kinikilalang kasunduang-bansa ng kabilang panig na nakikipagkasunduang Estado. SECTION 25. After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United States of America concerning Military Bases, foreign military bases, troops, or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate and, when the Congress so requires, ratified by a majority of the votes cast by the people in a national referendum held for that purpose, and recognized as a treaty by the other contracting State.
SEKSYON 26. Ang amo mang awtoridad sa pagpapalabas ng sequestration o atas sa pagpigil sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 3, may petsang Marso 25, 1986 kaugnay sa pagbawi ng kayamanang nakuha sa masamang paraan ay mamamalaging ipinatutupad sa loob ng hindi hihigit sa labingwalong buwan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito. Gayon man, para sa kapakanang pambansa, gaya ng pagkasertipika ng Pangulo, maaaring palugitan ng Kongreso ang naturang panahon.
Ang order sa sequestration o pagpigil ay dapat lamang ipalabas pagkapakita ng kasong prima facie. Ang order at ang listahan ng mga ariariang na-sequester o pinigil ay dapat irehistro kasunod niyon sa mga kaukulang hukuman. Ukol sa mga order na pinalabas bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, dapat iharap ang kaukulang aksyon o kaparaanang panghukuman sa loob ng anim na buwan mula sa ratipikasyong ito. Tungol sa mga kautusang pinalabas pagkaraan ng gayong ratipikasyon, ang aksyon o kaparaanang panghukuman ay dapat iharap sa loob ng anim na buwan mula sa pagkapalabas niyon.
Ang sequestration o atas sa pagpigil ay itinuturing na awtomatikong binawi kung walang sinimulang aksyon o kaparaaanang panghukuman ayon sa itinatakda rito.
SECTION 26. The authority to issue sequestration or freeze orders under Proclamation No. 3 dated March 25, 1986 in relation to the recovery of ill-gotten wealth shall remain operative for not more than eighteen months after the ratification of this Constitution. However, in the national interest, as certified by the President, the Congress may extend said period.

A sequestration or freeze order shall be issued only upon showing of a prima facie case. The order and the list of the sequestered or frozen properties shall forthwith be registered with the proper court. For orders issued before the ratification of this Constitution, the corresponding judicial action or proceeding shall be filed within six months from its ratification. For those issued after such ratification, the judicial action or proceeding shall be commenced within six months from the issuance thereof.

The sequestration or freeze order is deemed automatically lifted if no judicial action or proceeding is commenced as herein provided.
SEKSYON 27. Ang Konstitusyong ito ay dapat kagyat na magkabisa sa sandaling maratipikahan ng mayoryang boto sa isang plebesito na itinawag para sa layuning iyon at dapat pumalit sa lahat ng naunang mga Konstitusyon.

SECTION 27. This Constitution shall take effect immediately upon its ratification by a majority of the votes cast in a plebiscite held for the purpose and shall supersede all previous Constitutions.
Ratified: February 2, 1987

► PREAMBLE ► ARTICLE I - National Territory ► ARTICLE II - Declaration of Principles and State Policies ► ARTICLE III - Bill of Rights ► ARTICLE IV Citizenship ► ARTICLE V - Suffrage ► ARTICLE VI - Legislative Department ► ARTICLE VII - Executive Department ► ARTICLE VIII - Judicial Department ► ARTICLE IX - Constitutional Commissions ► ARTICLE X Local Government ► ARTICLE XI - Accountability of Public Officers ► ARTICLE XII - National Economy and Patrimony ► ARTICLE XIII - Social Justice and Human Rights ► ARTICLE XIV - Education, Science and Technology, Arts, Culture & Sports ► ARTICLE XV - The Family ► ARTICLE XVI - General Provisions ► ARTICLE XVII - Amendments or Revisions ► ARTICLE XVIII - Transitory Provisions

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *