Article Twelve (12) of the 1987 Philippine Constitution
► PREAMBLE ► ARTICLE I - National Territory ► ARTICLE II - Declaration of Principles and State Policies ► ARTICLE III - Bill of Rights ► ARTICLE IV Citizenship ► ARTICLE V - Suffrage ► ARTICLE VI - Legislative Department ► ARTICLE VII - Executive Department ► ARTICLE VIII - Judicial Department ► ARTICLE IX - Constitutional Commissions ► ARTICLE X Local Government ► ARTICLE XI - Accountability of Public Officers ► ARTICLE XII - National Economy and Patrimony ► ARTICLE XIII - Social Justice and Human Rights ► ARTICLE XIV - Education, Science and Technology, Arts, Culture & Sports ► ARTICLE XV - The Family ► ARTICLE XVI - General Provisions ► ARTICLE XVII - Amendments or Revisions ► ARTICLE XVIII - Transitory Provisions
| ARTIKULO XII | ARTICLE XII |
|---|---|
| PAMBANSANG EKONOMIYA AT PATRIMONYA | National Economy and Patrimony |
| SEKSYON 1. Ang mga tunguhin ng pambansang ekonomiya ay higit pang pantay na pamamahagi ng mga pagkakataon, kita at kayamanan; sustenandong pagpaparami ng mga kalakal at mga paglilingkod na liha ng bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan; at lumalagong pagkaproduktibo bilang susi sa pag-aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat, lalo na sa mga kapus-palad. Dapat itaguyod ng Estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat bata sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan, sa pamamagitan ng mga industriya na gumagamit nang lubusan at episyente sa mga kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan, at nakikipagpaligsahan kapwa sa mga pamilihang lokal at dayuhan. Gayon man, dapat pangalagaan ng Estado ang mga negosyong Pilipino laban sa marayang kompitensyang dayuhan at mga nakamihasnan sa pangangalakal. Sa pagsisikap na matamo ang mga tunguhing ito, dapat bigyan ng lubos na pagkakataong umunlad ang lahat ng mga sektor pangkabuhayan at mga rehiyon ng bansa. Dapat pasiglahin ang mga pribadong negosyo, pati na ang mga korporasyon, mga kooperatiba at katularing mga lansakang organisasyon, sa pagpapalawak ng base ng kanilang pagmamay-ari. | SECTION 1. The goals of the national economy are a more equitable distribution of opportunities, income, and wealth; a sustained increase in the amount of goods and services produced by the nation for the benefit of the people; and an expanding productivity as the key to raising the quality of life for all, especially the underprivileged. The State shall promote industrialization and full employment based on sound agricultural development and agrarian reform, through industries that make full and efficient use of human and natural resources, and which are competitive in both domestic and foreign markets. However, the State shall protect Filipino enterprises against unfair foreign competition and trade practices. In the pursuit of these goals, all sectors of the economy and all regions of the country shall be given optimum opportunity to develop. Private enterprises, including corporations, cooperatives, and similar collective organizations, shall be encouraged to broaden the base of their ownership. |
| SEKSYON 2. Ang lahat ng mga lupain ari ng bayan, mga tubig, ang mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kahuyan, buhay-ilang, halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at superbisyon ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan. Ang mga gawaing ito ay maaaring tuwirang isagawa ng Estado, o ito ay maaaring makipag-kasunduan sa co-production, magkasamang pakikipagsapalaran, bakasang produksyon sa mga mamamayang Pilipino o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan. Ang gayong mga kasunduan ay maaaring ukol sa panahong hindi hihigit sa dalawampu't limang taon, na mapapanibago sa hindi hihigit sa dalawampu't limang taon, at sa ilalim ng mga termino at kondisyon na maaaring itadhana ng batas. Sa kalagayan ng mga karapatan sa patubig, panustos-tubig, mga pangisdaan o mga gamit pangindustriya na iba sa pagpapaunlad ng lakas-tubig, ang gamit na kapaki-pakinabang ang maaaring maging sukatan at katakdaan ng pagkakaloob. Dapat pangalagaan ng Estado ang yamang-dagat ng bansa sa mga karagatang pangkapuluan, dagat teritoryal at eksklusibong sonang pangkabuhayan nito, at dapat ilaan ang eksklusibong paggamit at pagtatamasa nito sa mga mamamayang Pilipino. Maaaring pahintulutan ng Kongreso sa pamamagitan ng batas ang maliitang pagsasagamit ng mga likas na kayamanan ng mga mamamayang Pilipino, gayon din ang pangkooperatibang pag-aalaga ng isda, na ang priority ay sa tawid-buhay na mga mangingisda at mga manggagawang pang-isda sa mga ilog, mga lawa, mga look, at mga dagat-dagatan. Ang Pangulo ay maaaring makipagkasunduan sa mga korporasyong aring-dayuhan na kinapapalooban ng tulong teknikal o pinansyal para sa malawakang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga mineral, petrolyo at iba pang mga langis mineral alinsunod sa mga pangkalahatang termino at mga kondisyon na itinatadhana ng batas, batay sa mga tunay na ambag sa pagsulong ng pangkabuhayan at sa kagalingang panlahat ng bansa. Sa gayong mga kasunduan, dapat itaguyod ng Estado ang pagpapaunlad at paggamit sa mga lokal na batis, siyentipiko at teknikal. Dapat ipagbigay-alam ng Pangulo sa Kongreso ang bawat kontratang pinakipagkayarian alinsunod sa tadhanang ito sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagkakapagsagawa nito. | SECTION 2. All lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces of potential energy, fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources are owned by the State. With the exception of agricultural lands, all other natural resources shall not be alienated. The exploration, development, and utilization of natural resources shall be under the full control and supervision of the State. The State may directly undertake such activities, or it may enter into co-production, joint venture, or production-sharing agreements with Filipino citizens, or corporations or associations at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens. Such agreements may be for a period not exceeding twenty-five years, renewable for not more than twenty-five years, and under such terms and conditions as may be provided by law. In cases of water rights for irrigation, water supply, fisheries, or industrial uses other than the development of water power, beneficial use may be the measure and limit of the grant. The State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens. The Congress may, by law, allow small-scale utilization of natural resources by Filipino citizens, as well as cooperative fish farming, with priority to subsistence fishermen and fishworkers in rivers, lakes, bays, and lagoons. The President may enter into agreements with foreign-owned corporations involving either technical or financial assistance for large-scale exploration, development, and utilization of minerals, petroleum, and other mineral oils according to the general terms and conditions provided by law, based on real contributions to the economic growth and general welfare of the country. In such agreements, the State shall promote the development and use of local scientific and technical resources. The President shall notify the Congress of every contract entered into in accordance with this provision, within thirty days from its execution. |
| SEKSYON 3. Ang mga lupaing ari ng bayan ay inuuri sa pansakahan, kagubatan o kakahuyan, lupaing mineral, at mga pambansang parke. Ang mga lupaing pansakahan na ari ng bayan ay maaaring uriin pa sa pamamagitan ng batas alinsunod sa mga paggagamitan nito. Dapat limitahan sa mga lupaing pansakahan ang maililipat na mga lupaing ari ng bayan. Hindi maaaring humawak ang alin mang pribadong korporasyon o asosasyon ng mga lupaing maililipat na ari ng bayan maliban sa pamamagitan ng lease, sa taning na panahong hindi hihigit sa dalawampu't limang taon, na mapaninibago sa hindi hihigit sa dalawampu't limang taon, at hindi lalabis sa isabg libong ektaryang sukat. Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay maaaring mag-lease nang hindi lalabis sa limang daang ektarya, o magtamo sa pamamagitan ng pagbili, homestead, o kaloob, nang hindi lalabis sa labindalawang ektarya niyon. Dapat itakda ng Kongreso, sa pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan sa pangangalaga, ekolohiya at pagpapaunlad at alinsunod sa mga hinihingi ng repormang pansakahan, sa pamamagitan ng batas, ang sukat ng mga lupaing ari ng bayan na maaaring tamuhin, paunlarin, hawakan, o paupahan at mga kondisyon niyon. | SECTION 3. Lands of the public domain are classified into agricultural, forest or timber, mineral lands, and national parks. Agricultural lands of the public domain may be further classified by law according to the uses which they may be devoted. Alienable lands of the public domain shall be limited to agricultural lands. Private corporations or associations may not hold such alienable lands of the public domain except by lease, for a period not exceeding twenty-five years, renewable for not more than twenty-five years, and not to exceed one thousand hectares in area. Citizens of the Philippines may lease not more than five hundred hectares, or acquire not more than twelve hectares thereof by purchase, homestead, or grant. Taking into account the requirements of conservation, ecology, and development, and subject to the requirements of agrarian reform, the Congress shall determine, by law, the size of lands of the public domain which may be acquired, developed, held, or leased and the conditions therefor. |
| SEKSYON 4. Dapat magtakda ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas sa lalong madaling panahon ng mga tiyak na saklaw ng mga lupaing kagubatan at mga pambansang parke, na malinaw na magtatakda ng kanilang mga hanggahan sa lupa. Pagkatapos noon, ang gayong mga lupaing kagubatan at mga pambansang parke ay dapat ikonserba at hindi maaaring dagdagan ni bawasan, maliban sa pamamagitan ng batas. Dapat magtakda ang Kongreso, para sa panahong maaaring ipasya nito, ng mga batas na magbabawal pagtotroso sa mga nanganganib na kagubatan at mga sakop ng watershed. | SECTION 4. The Congress shall, as soon as possible, determine by law the specific limits of forest lands and national parks, marking clearly their boundaries on the ground. Thereafter, such forest lands and national parks shall be conserved and may not be increased nor diminished, except by law. The Congress shall provide, for such period as it may determine, measures to prohibit logging in endangered forests and watershed areas. |
| SEKSYON 5. Dapat pangalagaan ng Estado, batay sa mga tadhana ng Konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa, ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang minanang lupain upang matiyak ang kanilang kagalinang ekonomiko, panlipunan, at pangkultura. Maaaring magtakda ang Kongreso para sa pagpapairal ng mga nakaugaliang batas hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa ariarian sa pagtiyak sa pagmamay-ari ng minanang lupain. | SECTION 5. The State, subject to the provisions of this Constitution and national development policies and programs, shall protect the rights of indigenous cultural communities to their ancestral lands to ensure their economic, social, and cultural well-being. The Congress may provide for the applicability of customary laws governing property rights or relations in determining the ownership and extent of ancestral domain. |
| SEKSYON 6. Ang paggamit ng ariarian ay may nauukol na tungkuling panlipunan, at lahat ng mga kinatawang pangkabuhayan ay dapat mag-ambag sa kabutihang panlahat. Dapat magkaroon ng karapatan ang bawat mamamayan at mga pribadong pangkat, kabilang ang mga korporasyon, na magmay-ari, magtatag at magpalakad ng mga negosyong pangkabuhayan, sa saklaw ng tungkulin ng Estado na itaguyod ang marapat na katarungan at manghimasok kapag hinihingi ang kabutihang panglahat. | SECTION 6. The use of property bears a social function, and all economic agents shall contribute to the common good. Individuals and private groups, including corporations, cooperatives, and similar collective organizations, shall have the right to own, establish, and operate economic enterprises, subject to the duty of the State to promote distributive justice and to intervene when the common good so demands. |
| SEKSYON 7. Hindi dapat malipat o masalin ang ano mang pribadong lupain maliban sa pagmamana, at sa mga tao, mga korporasyon o mga asosasyon na may karapatang magtamo o maghawak ng mga lupaing ari ng bayan. | SECTION 7. Save in cases of hereditary succession, no private lands shall be transferred or conveyed except to individuals, corporations, or associations qualified to acquire or hold lands of the public domain. |
| SEKSYON 8. Sa kabila ng mga tadhana ng Seksyon 7 ng Artikulong ito, ang isang katutubong ipininganak na mamamayan ng Pilipinas na nawalan ng pagkamamamayang Pilipino ay maaaring palipatan ng mga lupaing pribado, batay sa mga katakdaang itinatadhana ng batas. | SECTION 8. Notwithstanding the provisions of Section 7 of this Article, a natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship may be a transferee of private lands, subject to limitations provided by law. |
| SEKSYON 9. Maaaring magtatag ang Kongreso ng isang malayang sangay ng ekonomiya at pagpaplano na pamumunuan ng Pangulo, na dapat magtagubilin sa Kongreso matapos makipagsanggunian sa angkop na mga sangay pambayan, sa iba't ibang pribadong sektor, at sa mga unit ng pamahalaang lokal, at magsakatuparan ng patuluyan, pinag-isa at magkakaugnay na mga programa at patakaran para sa mga pagpapaunlad ng bansa. Hangga't ang Kongreso ay hindi nagtatakda ng naiiba, dapat manungkulan ang Pambansang Pangasiwaan sa Ekonomiya at Pagpapaunlad bilang malayang sangay sa pagpaplano ng pamahalaan. | SECTION 9. The Congress may establish an independent economic and planning agency headed by the President, which shall, after consultations with the appropriate public agencies, various private sectors, and local government units, recommend to Congress, and implement continuing integrated and coordinated programs and policies for national development. Until the Congress provides otherwise, the National Economic and Development Authority shall function as the independent planning agency of the government. |
| SEKSYON 10. Sa tagubilin ng sangay sa ekonomiya at pagpaplano, dapat ilaan ng Kongreso sa mga mamamayan ng Pilipinas o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan, o ang maas mataas na porsyento na maaaring itakda ng Kongreso, ang ilang mga larangan ng pamumuhunan kailan man at ganinto ang iniaatas ng pambansang kapakanan. Dapat magsabatas ang Kongreso ng mga hakbanging magpapasigla sa pagbubuo at pagpapalakad ng mga negosyo na ang puhunan ay aring ganap ng mga Pilipino. Sa pagkakaloob ng mga karapatan, mga pribilehiyo at mga concession na sumasaklaw sa pambansang ekonomiya at patrimonyo, dapat unahin ng Estado ang mga kwalipikadong Pilipino. Dapat regulahin at gamitin ng Estado ang awtoridad nito sa mga puhunang dayuhan na saklaw ng pambansang hurisdiksyon nito at nang naaalinsunod sa mga pambansang tunguhin at mga pangunahing layunin nito. | SECTION 10. The Congress shall, upon recommendation of the economic and planning agency, when the national interest dictates, reserve to citizens of the Philippines or to corporations or associations at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens, or such higher percentage as Congress may prescribe, certain areas of investments. The Congress shall enact measures that will encourage the formation and operation of enterprises whose capital is wholly owned by Filipinos. In the grant of rights, privileges, and concessions covering the national economy and patrimony, the State shall give preference to qualified Filipinos. The State shall regulate and exercise authority over foreign investments within its national jurisdiction and in accordance with its national goals and priorities. |
| SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkaloob ang ano magn prangkisa, sertipiko, o iba pang anyo ng pahintulot sa pagpapalakad ng kagamitang pambayan maliban sa mga mamamayan ng Pilipinas o sa mga korporasyon o mga asosasyong itinatag sa ilalim ng batas ng Pilipinas na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan, ni hindi dapat na ang prangkisa, sertipiko, o pahintulot ay tanging-tangi sa uri o hihigit pa sa limampung taon ang itatagal. Ni hindi dapat ipagkaloob ang gayong prangkisa o karapatan maliban sa kondisyon na ito ay dapat sumailalim ng pagsususog, pagbabago, o pagpapawalang-saysay ng Kongreso kapag kinakailangan ang kabutihang panlahat. Dapat pasiglahin ng Estado ang tanan na makilahok sa pamumuhunan sa mga kagamitang pambayan. Ang paglahok ng mga mamumuhunang dayuhan sa mga pamatnugutan sa ano mang kalakalan sa kagamitang pambayan ay dapat matakda sa kanilang katumbas na sapi sa puhunan niyon, at amg lahat ng mga pinunong tagapagpaganap at tagapamahala ng gayong mga korporasyon o asosasyon ay kinakailangang mga mamamayan ng Pilipinas. | SECTION 11. No franchise, certificate, or any other form of authorization for the operation of a public utility shall be granted except to citizens of the Philippines or to corporations or associations organized under the laws of the Philippines at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens, nor shall such franchise, certificate, or authorization be exclusive in character or for a longer period than fifty years. Neither shall any such franchise or right be granted except under the condition that it shall be subject to amendment, alteration, or repeal by the Congress when the common good so requires. The State shall encourage equity participation in public utilities by the general public. The participation of foreign investors in the governing body of any public utility enterprise shall be limited to their proportionate share in its capital, and all the executive and managing officers of such corporation or association must be citizens of the Philippines. |
| SEKSYON 12. Dapat magtaguyod ang Estado ng makiling na paggamit ng paggawang Pilipino, domestikong materyales at mga kalakal na yaring lokal at adpat magpatibay ng mga hakbangin upang makalaban sa kompitensya ang mga ito. | SECTION 12. The State shall promote the preferential use of Filipino labor, domestic materials and locally produced goods, and adopt measures that help make them competitive. |
| SEKSYON 13. Dapat magtaguyod ang Estado ng patakarang pangkalakalan na mauukol sa kagalingang panlahat at magsasagamit sa lahat ng mga anyo at ayos ng palitan na nasasalig sa pagkakapantay-pantay at pagtutumbasan. | SECTION 13. The State shall pursue a trade policy that serves the general welfare and utilizes all forms and arrangements of exchange on the basis of equality and reciprocity. |
| SEKSYON 14. Dapat magtaguyod ang Estado ng patuluyang pagpapaunlad ng isang pambansang pagpipisan ng talino ng mga Pilipinong scientist, mga mamumuhunan, mga propesyonal, mga manager, mataas na kaantasan ng laang-bisig na teknikal at mga bihasang manggagawa at mga artisan sa lahat ng mga larangan. Dapat magtaguyod ang Estado ng angkop na teknolohiya at mag-regula ng paglilipat ng teknolohiya para sa kapakinabangan ng bansa. Dapat ilaan lamang sa mga mamamayang Pilipino ang pag-practice ng lahat ng mga propesyon sa Pilipinas, matangi sa mga kalagayang itinatakda ng batas. | SECTION 14. The sustained development of a reservoir of national talents consisting of Filipino scientists, entrepreneurs, professionals, managers, high-level technical manpower and skilled workers and craftsmen in all fields shall be promoted by the State. The State shall encourage appropriate technology and regulate its transfer for the national benefit. The practice of all professions in the Philippines shall be limited to Filipino citizens, save in cases prescribed by law. |
| SEKSYON 15. Dapat lumikha ang Kongreso ng isang sangay na magtataguyod sa pag-iral at pagsulong ng mga kooperatiba bilang mga kasangkapan para sa katarungang panlipunan at kaunlarang pangkabuhayan. | SECTION 15. The Congress shall create an agency to promote the viability and growth of cooperatives as instruments for social justice and economic development. |
| SEKSYON 16. Hindi dapat magtadhana ang Kongreso, maliban sa pamamagitan ng pangkalahatang batas, ukol sa pagbubuo pagtatatag o pagreregula ng mga pribadong korporasyon. Maaaring lumikha o magtatag ng mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga tanging karta para sa kabutihan ng lahat at nasasalalay sa pagsubok sa pagiging kapakipakinabang nito. | SECTION 16. The Congress shall not, except by general law, provide for the formation, organization, or regulation of private corporations. Government-owned or controlled corporations may be created or established by special charters in the interest of the common good and subject to the test of economic viability. |
| SEKSYON 17. Ang Estado, sa mga panahon ng pambansang kagipitan, kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan, ay maaaring pansamantalang mangasiwa o mamatnugot sa pagpapalakad ng ano mang pambayang utility na aring pribado o negosyong pinagkalooban ng kapakanang pambayan, habang umiiral ang kagipitang pambayan at sa ilalim ng makatwirang mga katakdaang itatagubilin nito. | SECTION 17. In times of national emergency, when the public interest so requires, the State may, during the emergency and under reasonable terms prescribed by it, temporarily take over or direct the operation of any privately owned public utility or business affected with public interest. |
| SEKSYON 18. Ang Estado, sa kapakanan ng pambansang kagalingan o pagtatanggol, ay maaaring magtatag at magpalakad ng mga napakahalagang industriya, at pagkapagbabayad ng wastong kabayaran, maaaring ilipat nito sa pagmamay-aring pambayan ang mga utility at iba pang mga pribadong negosyo na palalakarin ng pamahalaan. | SECTION 18. The State may, in the interest of national welfare or defense, establish and operate vital industries and, upon payment of just compensation, transfer to public ownership utilities and other private enterprises to be operated by the Government. |
| SEKSYON 19. Dapat regulahin o ipagbawal ng Estado ang mga monopoly kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan. Hindi dapat payagan ang mga kombinasyong sumusupil sa kalakalan o ang marayang kompitensya. | SECTION 19. The State shall regulate or prohibit monopolies when the public interest so requires. No combinations in restraint of trade or unfair competition shall be allowed. |
| SEKSYON 20. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang malayang punong pangasiwaan sa pananalapi, ang amga kagawad ng namumunong kalupunan ay kinakailangang mga katutubong ipinanganak na mamamayang Pilipino na kilala sa pagkamatapat, pagkamarangal, at pagkamakabayan, at ang nakararami sa kanila ay dapat magmula sa pribadong sektor. Sila ay dapat ding sumailalim sa iba pang mga kwalipikasyon at disability na maaaring itakda ng batas. Dapat magtakda ang pangasiwaan ng patnubay na patakaran sa mga larangan na may kinalaman sa salapi, pagbabangko, at kredito. Dapat magkaroon ito ng superbisyon sa pamamalakad ng mga bangko at gampanan ang mga kapangyarihan sa pagregula nang ayon sa maaaring itadhana ng batas sa pamamalakad ng mga kompanya sa pananalapi at sa iba pang mga institusyong gumaganap ng katularing mga gawain. Hangga't hindi nagtatakda ng naiiba ang Kongreso, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, sa pagpapalakad sa ilalim ng umiiral na mga batas, ay gaganap bilang punong pangasiwaan sa pananalapi. | SECTION 20. The Congress shall establish an independent central monetary authority, the members of whose governing board must be natural-born Filipino citizens, of known probity, integrity, and patriotism, the majority of whom shall come from the private sector. They shall also be subject to such other qualifications and disabilities as may be prescribed by law. The authority shall provide policy direction in the areas of money, banking, and credit. It shall have supervision over the operations of banks and exercise such regulatory powers as may be provided by law over the operations of finance companies and other institutions performing similar functions. Until the Congress otherwise provides, the Central Bank of the Philippines, operating under existing laws, shall function as the central monetary authority. |
| SEKSYON 21. Maaari lamang makautang sa ibang bansa nang naaalinsunod sa batas at sa alituntunin ng pangasiwaan sa pananalapi. Dapat maging handa sa pagbibigay sa taong-bayan ng impormasyon hinggil sa mga utang sa ibang bansa na nakuha o ginarantiyahan ng pamahalaan. | SECTION 21. Foreign loans may only be incurred in accordance with law and the regulation of the monetary authority. Information on foreign loans obtained or guaranteed by the Government shall be made available to the public. |
| SEKSYON 22. Ang mga kagagawan na lumilihis o nagpapawalang-saysay sa alin mang tadhana ng Artikulong ito ay dapat ituring na di naaangkop sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng mga parusang sibil at kriminal, ayon sa maaaring itakda ng batas. | SECTION 22. Acts which circumvent or negate any of the provisions of this Article shall be considered inimical to the national interest and subject to criminal and civil sanctions, as may be provided by law. |
