APUHAPIN

root word: apuhap

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

apuhapin: damahin sa pamamagitan ng pagsalat ng kamay

apuhapin: hagilapin, kapain

Ang masasamang salita nito ay umaalingawngaw nang matagal sa kulob na kalamigan ng pasilyo at nang apuhapin niya ang unang baytang ng hagdanan at maupo roon ay mga ungol na lamang ang umabot sa kanya.

Sa ganitong sitwasyon natutunghayan ang tunay at ganap na drama na di kayang ipaliwanag ng mga salita, di kayang apuhapin ng isip subalit kayang unawain ng puso at kayang yakapin ng kaluluwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *