Ano nga ba ang wika?
Ayon sa linggwist na si Edgar Howard Sturtevant, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao. Ang salitang sistema ay nagpapahiwatig ng konsistensi o pagkakaroon ng patern. Ito ang dahilan kung bakit ang isang wika na banyaga sa kanya ay nahihirapang magtagumpay sa unang pagtatangka. Ang palatunugan at semantika ang siyang batayan ng iba pang sistema sa loob ng isang wika. Ang pagkakaroon din nito (sistema) ng wika ang nagtatakwil sa walang pakundangang pagsasama-sama lamang ng ilang materyal at salin ng wika e.g. tunog, salita at parirala. Dahil sa sistema ng wikang Tagalog, hindi tinatanggap ng wikang ito ang walang wawa — ang mga pantig na ra-ta-ra-blas-kang. Ang sintaktika naman ng Espanyol ay hindi tumatanggap sa pariralang mio amigo o las azotea. Bagamat pinapayagan ng sistema ng palatunugan at gramar ng Ingles ang the dog ate the insect at saka the insect ate the dog subalit hindi naman pinapahintulutan ng sistema ng pagpapakahulugan o semantika ang ikalawang pangungusap.
MGA KAHULUGAN SA TAGALOG
wikà: lawas ng mga salitâ at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan
wikà: sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisahang paraan at pakahulugan
wikà: senyas at simbolo na isinasaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salitâ
wikà: anumang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa parehong pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan
wikà: pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita