Ano Ang Blog?

Nagsusulat

Ang blog ay katawagan o pinaiksing salita para sa web-log o weblog.

Ang literal na kahulugan ng web-log ay “talaan sa web.” Dito, ang tinutukoy na web ay ang internet.

Ito ay parang online diary (talaarawan).

Noong una, ang karamihan sa nagsusulat sa blog ay nagpapaskil ng kung ano ang kanilang pang-araw-araw na ginagawa sa panahong iyon o kung ano ang kanilang nararamdaman, ke araw-araw o isang beses isang linggo, o kung kailanman nilang maisapang magsulat.

KAHULUGAN SA TAGALOG

Ang blog ay websayt na naglalaman ng anumang sulatín, larawan, tunog, musika, bidyo, at iba pa na binuo ng mga táong nagsusulat tungkol sa magkakaugnay na paksa o interes.

Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan.

Tinatawag na blogero (sa Ingles: blogger) ang taong sumusulat sa kanyang blog. Ang bumibisita sa blog ng iba at nagsusulat ng komento ay tinatawag na komentarista (sa Ingles: commenter).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *