ANITO

Mga diyos na pinapaniwalaan ng mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Deities (“gods”) that ancient Filipinos believed in before the Spaniards arrived in the Philippines.

aníto
native idol
(religious idolatry)

mga aníto
religious idols

Maaari din itong tumukoy sa mga diwata, espiritu at mga diyos na pinaghuhugutan ng ulan, proteksiyon at patnubay. The term can also refer to nymphs, spirits, and deities from whom to solicit rain, protection and guidance.

Nagpupugay ang mga tao sa mga anito sa pagbibigay ng alay katulad ng mga ani, mga hayop at iba pa. People honor the anito by giving offerings like harvests, animals, et cetera.

Dinadasalan din ng mga tao ang anito para magkaroon ng himala katulad ng pag-ulan sa kalagitnaan ng tagtuyot at proteksiyon sa gitna ng laban ng mga tribo. People also pray to the anito for there to be miracles, like rain in the middle of a drought and protection in the midst of tribal wars.


Unrelated to the above, ánitó can be short for “ani nito” or sabi nito (he or she said).


MGA KAHULUGAN SA TAGALOG

aníto: sinaunang espiritu ng ninuno o ng kalikasan

Ang karamihan ng mga anitong pinipintakasi nila ay ang kanilang mga kanunuan.

aníto: noong panahon ng Espanyol, biluhaba o parihabâng tela, madalas na putîng linen, may krus sa gitna, at isinusuot ng pari sa leeg at balikat

aníto: animismo o pamahiin

aníto: seremonya para sa mga espiritu

aníto: kaluluwá

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *