ang tulang para kay ano
walang may sadya,
walang may gumusto,
pinagtagpo lang ng musika
ang magkahiwalay nating mundo
Walang ibang may alam,
walang ibang nakasaksi,
Ng magkasalamuha nating mga kasalanan,
sa liblib ng maraming gabi..
ngunit ganun pa man,
Walang naging istorya,
walang kwentong nabuo,
sapagkat ikaw at ako,
ay habang panahong sikreto…
