Ang Sampung Utos ng Diyos

The Ten (10) Commandments of God are listed twice in the Bible — first in Chapter 20 of the Book of Exodus, and also in Chapter 5 of the Deuteronomy.

Most Filipinos being Christian, the Bible is read and taught widely in the Philippines.

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat.
1. Love God above all else.

2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
2. Do not worship false gods.

3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
3. Obseve the day of the Sabbath.

4. Galangin mo ang iyong ama at ina.
4. Respect your father and your mothers.

5. Huwag kang papatay.
5. Do not kill.

6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
6. Do not commit adultery.

7. Huwag kang magnakaw.
7. Do not steal.

8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
8. Do not make accusations and do not lie.

9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
9. Do not covet what is not yours.

10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
10. Do not covet your neighbor’s spouse.

Apolinario Mabini wrote his own version, which he called Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos (The True Decalogue).

Sa Bibliya, ang Sampûng Útos ay ang mga tuntunin ng wastong asal na ibinigay ng Diyos kay Moses sa Bundok Sinai.

125 thoughts on “Ang Sampung Utos ng Diyos”

  1. Sampung utos mo mali hahaha
    parang iba ang sa biblia kaysa sa nilagay mo dito… paki ayos po

  2. Tama Po kayu hindi Po dapat sambahin SI maria. dahil SI Jesus ay walang tinawag na Ina o Kapatid dahil Wala pang nililikha Ang diyos ama ay kasamasama na Ng diyos ama SI Jesus

    1. Sino b sumasamba Kay Maria. Sino ba nagsabi na sambahin sya. KAhit c mama Mary Hindi nya sinabi un .Nirerespeto natin sya dahil Ina Siya ni Hesus. At Hindi namin sya sinasamba kaisa nmin sya sa mga panalangin namin. Kya nga Maria Ina ng Diyos ipinalangin mo kaming makasalanan. Hindi nmn sinbi “Mahal na Ina ni Hesus sinasamba ka namin. ” Diba ?

      Ngayon ssbihin nyo pede nmn dumetso Kay Jesus bkit kailangan pa na mgdasal tyo ke maria at humingi NG tulong?
      Kung matatandaan mo u g kasalan sa Cana. Hiniling ni mama Mary sa anak nya na maghimala at mglagay pa ng alak , sinbi ni Hesus Hindi pa ito Ang tamang oras. Pero dahil sa pakiusap ng nanay nya n c maria . Pinagbigyan nya ito. Ganon sa ating panalangin Kung hihingi tyo ng intersession Kay maria ay maari nitong agad mapapakiusapan Ang kanyang anak.

      1. Mali po kayo sa pag sabi na maria ina nang diyos nasa bibliya poh ba na si maria ay ina nang diyos??
        Si maria ay ina ni jesus at si jesus ay hindi diyos kundi tao rin siya
        (Juan 14:9–10). Makatuwirang isipin na ang Anak ay ang Anak at ang Ama ay ang Ama, kaya paanong Sila ay iisa? Paano natin dapat unawain ang taludtod na “Ako at ang Ama ay iisa”?

        (1) Si Cristo mismo ang nagsabi na Siya ay tao (Juan 8:40). (2) Ipinakita rin ni Cristo na iba Siya sa Diyos (Juan 8:40). (3) Ang katumbas ng sinabi ni Cristo na Siya ay tao ay siya’y HINDI DIYOS, sapagkat ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi Diyos (Ose.

        At ngayon sabihin nyo si maria ba ay ina nang diyos?

  3. Perfect and well explained.
    Hindi ang lahat na tumatawag sa panginoon ay maliligtas, kundi yon lng gumaganap ng kalooban ng Dios. Mateo 7:21

  4. ang tawag po dun ay maka dyos kung naniniwala ka po sa dyos manalig kalang at walang imposible kay kristo marami kasi kayong hiling balang araw matutupad yan manalig kaang di yung atat ka

    1. KULANG ang sampong utos na ito, para sa kumpleto basahin sa Exodus 20:1-17 o kaya sa Deuteronomy 5:6-21.

    1. Hilingin sa PANGINOON JESUCRISTO , na siya ang maghari sa ating buhay, sa tulong ng BANAL NA SPIRITU . Magbasa ng bibliya at ipamuhay ang itinuturo ng banal na kasulatan. Walang tigil tayong manalangin at ihingi ng kapatawaran ang ating mga pagkukulang, pagkakamali, at pagkakasala. Ating sundin ang kalooban ng DIOS magpakailannan.

  5. Ano ang maaari nong gagawin upang matupad o masunod ito sa pang araw-araw mong buhay??

    Please pa answer po yung maayos😀😀salamat💜💜

    1. Kailangan mung sunduin ang utos ng Diyos.. Ndi man cguro lahat pero atleast ngawa MO ung iba. Kac Wala nmang perpektong tao.

    2. Kailangan lamang nating ipamuhay at isa puso ang ebanghelyo ng panganinoong jesukristo upang matupad at maging kalugod lugod tayo sa harap at paningin ng ating panginoon.

    3. Kung nag aaral ka pa sa ngayon pagsumikapan mo makatapos. Para magkaroon ka ng maayos na trabaho maka pag silbi ka sa kapwa mo tao. Lalo na sa mga mahihirap natin kababayan. Tuparin ang sampung utos ng diyos

    4. Hindi tao Ang makakasagot sa Tanong mo kung may bible ka basahin mo at doon mo malalaman Ang sagot sa katanongan mo at isapa naniniwala ako saka sa bihang Wala sa ona Ang pag sisisi laging nasa huli habang Buhay kapa sa mondong ito may Oras kapa mag bago pero pag domating Ang Araw Ng paghohokom ni Jesus walaka ng pagasa maka pagsisisipa dahil pag nasa loob kana Ng pogon ay momoramora hin mo lang Ang pangalan ng diyos otinatawag na hill dahil walang hangang pagdorosa Ang iyung mararanasan sana matakot kayu sa mga kasalanan ginagawa niyu

  6. Kayo po ba ay allow na magbasa ng Bible sa INC or kahit na mga member nyo po ay allow ba sila magbasa ng Bible? Kasi ang Bible po ay para sa lahat hindi lang para sa mga pastor O tagapagturo lang. Ang Bible po ay ginawa para personal nating basahin hindi para sa mga pastor O mga nakakataas tulad ng pastor.

  7. sabi nga sa ikalawang utos ng diyos bawal sumamba sa mga diyos diyosan ngunit bakit ito sinusuway ng mga sanlibutan sumasamba sila sa rebulto na kahoy,seminto, at kung ano pang mga gawa gawa lng nila? hindi yan ang totoong anyo ni jesus si jesus ay hindi nag papakita mas lalo narin ang ating diyos ama? isa lamang yang imbento ng mga scientismo at isang malalking tanong bakit kayo sumasamba kay maria isa lamqang syang ordenaryong taong nabuhay noon at napili ng ama upang iluwal si jesus bakit kayo sumasamba sa mga apostol kaysa sa diyos bakit kayo mangag susuway sa utos ng diyos at ang isa pa ang pari ay alam naman nila ang totoo pero bakit hindi isinisiwalat oo nga bagkus nasisilaw sila sa mga atang o pagbibigay ng donasyon ng mga tao yun ang totoo kung sinuman ang nakababasa nito o makakabasa humayo kayo at ipangalap ito sa lahat nakikiusap nag susumamo pakiusap ikalat nyo ito sa lahat sa social media at salhat lahat

    1. diba nasisira ang ulo mo malamang isa ka sa inglesia ni kristo oh muslim hindi nag diyos diyosan ang panginoong hesu kristo kailanman sya ay isang ordinaryong tao lang na katulad mo sya ay isinugo ng diyos para imulat ang lahat ng sangkatauhan para sa pag gawa ng tama at mali mabuti at masama… nung pinarusahan sya pinahirapan nilatigo at pinako sa krus hanggang sya ay namatay. ngayon tama bang parusahan sya sa pag gawa ng tama at puro kabutihan lang ang kanyang ginawa..ngayon tama ba ang mga tao noon na magpatupad ng sariling batas para maghatol ng kamatayan at magpurasa sa sangkatauhan dibat dinaig pa nila ang ating diyos ama sa mga batas na kanilang pinapatupad ngayon sa tingin mo sino ang sumasamba sa diyos diyosan na maihahalintulad mo sa gobyerno at pamahalaan na sinusunod mo hanggang sa ngayon. maraming tao ang mistulang bulag hanggang sangayon salamat at pinakinggan ko ang ating diyos ama at binuksan nya ang aking mata para makita ang tunay na katotohanan siguro isinugo din ako ng ating diyos ama para sabihin ito sayo na hindi lahat ng nagkakamali ay masama sigurado din ako na hindi lahat ng tama ay nakakabuti.. ok lang magkamali kung hindi ka gagawa ng masama kesa tama yung ginagawa mo puro kasamaan naman nasa puso at isip mo. yan ang ikalat mo sa sanlibutan hindi yung katahan ang gusto mo ipamalita ng lahat

    2. Kasi nilinlang sila ng Diablo at hindi tinuturo sa kanila.lahat ng bawal ay tinuro sa kanila which is anti christ ang nagturo

  8. Ang masasabi ko lang ay lahat tayoy binigyang buhay at binigyang pangalawa g pagkakataon na dapat nating Hindi sayangin Lahat naman tayoy nagkasala at Lahat tayoy naniniwala sa ating tagapagligtas na si papa Jesus kahit Tayoy ibat iba ang relihilyon ang dapat padin nating gawin ay Ang magkaisa at gawin ang tama Ibahagi sa Lahat ng tao Ang mga nabangit sa Bible lalo na sa mga kabataan yun lang po God Bless

    1. Maniwala tayo at panindigan natin at gawin natin ang utos ng PANGINOONG DIYOS Naway palain tayo

  9. ANG UTOS NG DIYOS (Exodo 20:3-17.) ATTENTION GUYS dont be deceived
    This is the right 10 commandments in exodus 20

    1. HUWAG kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap Ko.

    2. HUWAG kang gagawa para sa iyo ng bagay na inanyuan, ni ng kawangis man ng anumang bagay na nasa langit sa itaas, o ng nasa ibaba sa lupa, ni ng mga bagay na nasa mga tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong sasambahin sila, ni paglilingkuran man sila: Ako ang Panginoon mong Diyos, makapangyarihan, mapanibughuin, dinadalaw Ko ang kasalanan no mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa Akin: at pinagpapakitaan Ko ng kaawaan ang libu-libong umiibig sa Akin, at tumutupad ng Aking mga utos.

    3.HUWAG mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan: sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang babanggit ng pangalan ng Panginoong kanyang Diyos sa walang kabuluhan.

    4.ALALAHANIN mo upang ipangilin ang araw ng Sabado. Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni’t ang ikapitong araw ay Sabado ng Panginoon mong Diyos: huwag kang gagawa ng anumang gawa sa araw na ito, ikaw ni ang iyong anak na lalaki, ni ang iyong anak na babae, ni ang iyong aliping lalaki, ni ang iyong aliping babae, ni ang iyong hayop, ni ang taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan. Sapagka’t sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at ang lupa, at ang dagat, at ang lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw: na anupa’t pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabado, at pinakabanal.

    5. IGALANG mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ikaw ay mobuhay ng matagal sa ibabaw ng lupa na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

    6. HUWAG kang papatay.

    7.HUWAG kang mangangalunya.

    8.HUWAG kang magnanakaw.

    9.HUWAG kang magbibintang sa iyong kapuwa.

    10. HUWAG mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa: ni huwag mong hahangarin ang kanyang asawa, ni ang kanyang aliping lalaki, ni ang kanyang aliping babae, ni ang kanyang baka, ni ang kanyang asno, ni anumang bagay na ari niya.

    1. all of us are sinners at deserved natin na mapunta sa hell pero dahil mahal tayo ng ating Panginoon ibinigay nya yung bugtong na anak nya ( John 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. )

      – kung sino ang umaamin na sya ay makasalanan.. naniniwala at sumasampalataya na si Hesus ay namatay para sa iyong kasalanan. maliligtas ka

      1 Juan 9-10
      9 Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid. 10 Kung sinasabi nating hindi tayo nagkasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.

    1. Ako po ang paniniwala ko ay ang diyos ay iba pa kay hesus, dahil kung papansinin ng mabuti, kinakausap ni hesus ang diyos noong kabataan nya pa lamang

      1. Si hesus ay nilikha ni GOD para magpatunay na totoo siya kya tinawag si hesus sa bible na DIYOS na nagkatawang tao, kya nilikha nya ang sangkatauhan ng wlang perpekto, dhil kung perpekto lhat ng ginawa nya ay wla na pagagalingin si hesus dhil lhat ay perpekto na wlang may sakit.

      2. Maniwala tayo at panindigan natin at gawin natin ang utos ng PANGINOONG DIYOS Naway palain tayo

    2. Para po sa akin ito po ang tamang paliwanag. ANG ATING PANGINOONG HESUKRISTO PO AY GINAWANG KASANGKAPAN NG DIYOS UPANG MAILIGTAS TAYO SA MGA KASALANAN. KAYA NANINIWALA PO AKO NA ANG PANGINOONG HESUKRISTO PO AY HINDI DIYOS DAHIL NOONG MALAGUTAN SIYA NG HININGA AY BINANGGIT NIYANG “AMA DUMATING NA ANG ORAS” IBIG SABIHIN AY MAY DIYOS NA MAS MATAAS KAYSA SA KANYA. PERO XA PO ANG ATING TAGAPAGLIGTAS. XA ANG MAGBABALIK NA ISUSUGO NG DIYOS PARA SUNDUIN ANG MGA MAGIGING HINIRANG NG AMA. MALINAW DIN PONG NASUSULAT SA BIBLIYA NA ANG DIYOS AY NAG IISA, HINDI PO DIYOS ANG PANGINOONG KRISTO DAHIL KUNG SIYA ANG DIYOS SIYA DAPAT ANG LUMALANG NG LAHAT, AT ISA PA PO HINDI IPAPANGANAK NG TAO ANG DIYOS. ANG PANGINOONG HESUKRISTO PO AY IPINANGANAK NI MARIA. KAYA IMPOSIBLE NA IPAPANGANAK NG TAO ANG DIYOS NA GUMAWA SA TAO. PANGINOON ANG TAWAG SA PANGINOONG HESUKRISTO SAPAGKAT SYA AY NAG IISANG TAGAPAMAGITAN SA AMA NA GUMAWA NG MUNDO. WALA NG IBANG TAGAPAMAGITAN KUNDI SYA LAMANG KAYA PANGINOON DIN ANG TAWAG SA KANYA DAHIL SIYA ANG PINAMATAAS NA NILALANG NA TUMIRA DITO SA LUPA. ANG DIYOS AY ESPIRITU WALANG LAMAN AT BUTO. IMPOSIBLE DING SUMAPI ANG DIYOS SA MGA REBULTO GAYA NG SINASAMBA NG MGA KATOLIKO, DAHIL KINAMUMUHIAN NYA ANG MGA TAONG GUMAGAWA NITO. MAGBASA PO KAYO NG BIBLIYA AT DOON NYO PO LAMANG MALALAMAN ANG MGA KATOTOHANAN. KUNG IPIPILIT NYO PARIN PONG DIYOS SI HESUKRISTO MAGIGING DALAWA NA PO ANG DIYOS NYO. MALINAW PONG SINSABI NG BIBLIYA NA NAG IISA LAMANG ANG DIYOS AT MALIBAN SA KANYA AY WALA NG IBA PA.

      1. 1 Corinto 8:6

        “Nguni’t sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo’y sa pamamagitan niya.”

        Filipos 2: 6 -11

        Na siya, bagama’t nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

        Juan 4:24

        Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan

  10. Katoliko po ako, Hindi ko po sinasabi na rebolto namin ay Diyos, dahil ang Totoong Diyos namin ay lumikha sa ating lahat. Ang rebolto na Yan ay ayon sa history ng ating panginoon at history ng mga Santo o Kilala na nag-alay ng buhay para Kay Kristo, hindi po Diyos Ang santo, taong nag-alay ng buhay para Kay kristo. Nasaktan po ako sa husga ng ibang relihiyon at pang-aapi dahil sa mga chismis na ang Diyos daw namin ay bato, gawa sa kahoy tanso. Minsan sa husga pang – aapi ng ibang relihiyon, iniisip ko nasa kanila ba Ang Diyos?

    1. Kung lumuluhod ka sa mga rebulto, pabulong kng humihingi ng tulong ko ay birgin nary na rebulto rin, nagaalay ka ng bulaklak sa rebulto bilang paggalang sa rebulto, lahat ng mga iyon ay isang uri ng pagsamba kung kaya nagkakasala ka ng pangangalunya sa rebulto plus pagsamba sa diosdiosan,
      Parehong walang kapatawaran yun sa Dios.
      I Kay Timoteo 1:13 Bagaman nang una ako’y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma’y kinahabagan ako, sapagka’t yao’y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
      Ngayong alam mna, wag mna ulit gagawin yun.
      Salamat po sa Dios.

      1. yan ang paniniwala mo……..bakit kung ikaw ay tumingin sa iyong larawan mo, hindi ka ba naniniwala na ikaw yan sa larawan na yan? Itoy isang halimbawa lamang….si manny pacquio nga ginagawan ng rebulto sa pagkilala sa kakanyang karangalan……hindi ibig sabihin ang rebolto ang sinasamba kundi isa lamang itong representation o imahe lamang.

        1. hindi naman po saganun kapatid ngunit sino ba ang makapagpapatunay na mukha yan ni jesus? paano mo mapapatunayan na ang mukha ng ating diyos ay yan talaga bakit ginamit ng ating diyos ang lumalagablab na apoy at boses lng ang ginamit nya imbes bumaba dito sa lupa at sya mismo ang magsabi??? bakit kinakailangan pa niyang gumamit ng representa

    2. Bakit nyo pinupunasan ng panyo, nakaluhod, humihingi ng mga bagay na d nman mabibigay,,, . Dapat sipag., minana mu lng ang pagiging katoliko mu sa mga kastila. Sori po po if loop

      1. Marcos 7: 8-9

        Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.
        Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

    3. HINDI PO ITO ISANG PANG AAPI KUNDI PAGGISING PO SA INYONG MALING PINANINIWALAAN. DATI RIN PO AKONG KATOLIKO PERO MULA PO NG MAGBASA AKO NG BIBLIYA DOON KO PO NALAMANG NAPAKALAKI NG GALIT NG DIYOS SA MGA TAONG SUMASAMBA SA IBANG MGA DIYOS NA HINDI NAMAN GUMAGALAW. WAG NYO NA PONG IJUSTIFY NA HINDI NYO PO SINASAMBA ANG MGA REBULTO DAHIL TOTOO PONG SINASAMBA NYO SILA. BAKIT PO HINDI? ANG FIESTA NYO PO NG MGA SANTO HINDI PO BAT IGINAGALA NYO ANG REBULTO, HINAHALIKAN, BUONG BARANGAY AY NAGHAHANDA KAYA PAANO NYO PO SASABIHING HINDI NYO PO SINASAMBA. KAPAG MANANALANGIN PO KAYO, DOON PO KAYO NAKAHARAP SA MGA SANTO, IBIG LAMANG PONG SABIHIN NIYAN NA SINASAMBA NYO ANG MGA SANTO NYO. MALINAW NA MALIWAW PO ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS PERO NAPAKATIGAS PO NG MGA ULO NINYO. MASAKIT PO TALAGA ANG KATOTOHANAN KAYA HINDI NYO PO MATANGGAP. ETO PO AY HINDI ISANG PANG AAPI KUNDI PAGGISING PO SA INYONG MGA MALING NAKAGAWIAN. MGA MALING TURO NG ATING MGA NINUNO. NAPAKALINAW PO NG SINSABI SA SAMPUNG UTOS NG DIYOS,
      HUWAG kang gagawa para sa iyo ng bagay na inanyuan, ni ng kawangis man ng anumang bagay na nasa langit sa itaas, o ng nasa ibaba sa lupa, ni ng mga bagay na nasa mga tubig sa ilalim ng lupa. Huwag mong sasambahin sila, ni paglilingkuran man sila: Ako ang Panginoon mong Diyos, makapangyarihan, mapanibughuin, dinadalaw Ko ang kasalanan no mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa Akin: at pinagpapakitaan Ko ng kaawaan ang libu-libong umiibig sa Akin, at tumutupad ng Aking mga utos.

      NAPAKALINAW PO NIYAN BAKIT PO IPIPILIT NINYO NA TAMA KAYO SA PAGGAMIT NG MGA REBULTO. PWEDE NAMAN PO KAYONG MANALANGIN NG WALA ANG MGA IYAN. IPIKIT NYO LAMANG PO ANG INYONG MGA MATA AT DAMHIN SA INYONG PUSO ANG PANGINOON. SIGURADO PONG PAKIKINGGAN NIYA ANG INYONG NAIS.

  11. Ang Diyos ay ang lumikha sa lahat, Siya lang dapat ang sambahin natin. Si Hesu-Kristo ay ang Anak ng Diyos, Siya ang tagapagligtas natin sa ating mga kasalanan, Siya ang tulay natin sa nag iisang Panginoon, ang Dakilang Lumikha ng lahat. Ayun Alam ko at intindi ko sa Bibliya

  12. Maniwala sa diyos wag sa kahit anu pa mang relihilyon ang diyos wlang relihilyon religion can only cause war with each other religion. Religion is a business believe in God not in any religion Godbless

  13. Wag pong maguluhan ang sundin nyo ang nasa bible sapagkat ang makakaligtas sayo ay salita ng diyos hindi ng tao
    Isipin mo laging tama ang bible sapagkat itoy salita ng lumikha

  14. Mark,number of the beast:666
    Count the number of the beast(Rev.13:18)
    6+6+6=18; 1+8=9
    Number of the beast: 9
    Sunday: 1st. and 8th day of the week.
    Sunday:1+8=9
    Sunday is the mark of the beast
    COVID19 (CORONA VIRUS DISEASE)
    CORONA-6 letters
    VIRUS-5 letters
    DISEASE-7letteres. 6+5+7=18; 1+8=9
    C-3;O-15;V-22;I-9;D-4;1+9==63 ; 6+3=9
    The COVID19 is from the beast;the man of sin;the Pope.

    1. Maraming mangmang na akala nila relihiyon nila ang makakapag ligtas sakanila tignan natin kung kaya kang iligtas ng rebulto nyo tignan natin kung makakapag yabang ka sa harap ng Diyos at sabihin sakanya na nakakatas kayong mga katoliko. Malapit na bumalik ang Diyos at wala ng oras. Mag sisi kayo sa inyong mga kasalanan hindi nyo gugustuhing maiwan dito galit na galit ang Diyos sa mga tao dahil hindi kayo nakikinig sa mga sinasabi nya nilabag nyo ang utos niya at wala kayong ginawa kundi magpaka sasa sa laman pumatay magnakaw humingi kayo ng kapatawaran at mag sisi huwag sumamba sa diyos diyosan at itigil ang masasamang gawain para hindi nyo maranasan ang galit ng Diyos

    2. Binilang mo pa talaga ang letra ng corona, alam mo ba yung salitang coincidence? Maraming sakit na mayroong anim na letra. Magbibilang ka lang ng araw sa isang linggo mali pa, pangilang araw ang January 1 pagtapos ng December 31? Wag mo sabihing 366th day?? Kung ano ano ang binibigyan mo ng kahulugan, walang saysay!

    3. Okay thanks God bless everyone and God bless me.
      God be with you and God be with me too. May the Holy Spirit guide you and guide everyone in this place. It’s already in your heart. Speak to him. Talk to him. HE WILL ANSWER.

    4. mali ka po diyan kapatid. wag ka pong magpapaloko at wag nyo pong iligaw ang iba. Unang una, ang linggo ay hindi po ang mark of the beast. (Mateo 28:1 = Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan. | Mateo 28: 5 -6 = At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka’t nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. Siya’y wala rito; sapagka’t siya’y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.). Pangalawa, pito lamang po ang araw o days. (Exodo 20 : 9 – 10 = Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:). Wag po tayo maniwala sa sabi sabi ng mga tao. Dapat maniwala tayo sa Salita ng Diyos dahil ang kaniyang Salita ay totoo. Magbasa po tayo ng Banal na Kasulatan( Bibliya ) upang malaman po natin ang katotohanan. Manampalataya po tayo sa ating Panginoong Kristo at sumunod sa kanyang kalooban upang hindi tayo mapahamak. (Juan 3:16 = Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.). Tanging ang Panginoong Kristo lamang po ang daan patungo sa buhay na walang hanggan ( Juan 14:6 = Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *