Ang Buto Ng Atis

Ang tulang ito na isinulat ng makatang si Amado V. Hernandez ay masasabing isang halimbawa ng anekdota din. Mas kilala ito bilang tula ng pag-asam (wishful thinking).

ANG BUTO NG ATIS

Minsa’y nakapulot ng buto ng atis
ang isang dalaga. Pagdating sa bahay
sinabi sa ina ang kanyang naisip —
buto’y itatanim at aalagaan.

“At ang punong-atis paglaki’t namunga,
bunga’y sa palengke agad kong dadalhin;
ang mapagbibilhan” anyang nakatawa
“ay ibibili ko ng hikaw at singsing.”

Pagalit ang inang sinugod ang anak,
kasabay ang bantang kinurot sa singit:
“Ipagpahiraman ang iyong alahas
at nang putukan ka sa akin ng lintik!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *