Ang Awit ni Maria Clara

Ang Awit ni Maria Clara is a Tagalog translation of Jose Rizal’s poem Canto de María Clara, which can be found in his Spanish-language novel Noli Me Tangere.

The main character Maria Clara talks about how sweet it is to be in one’s own country.

Ang Awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

Ang tulang ito ay buhat sa isang kabanata ng Noli Me Tangere (1887) na may pamagat na “Ang Pangingisda.” Nagsisiwalat ito ng kanyang damdamin ng pagmamahal sa sariling bayan, ang pangungulila ng isang taong malayo sa sariling bayan.

2 thoughts on “Ang Awit ni Maria Clara”

  1. isa itong makasaysayang buhay ngayon ni maria clara bilang isang reynang napakabait at napakaganda

  2. ang awit ni maria clara ay ubod nang napakaganda at napakaganda nang himig nang musika nang isang espanyolang buhay na maralita sa mga kababaihan sa bawat isa ating buhay na kung anong mayroon tayo mga estranghera na kagaya natin sa kasaysayan nang buhay ngayon ni maria clara

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *