Ang Agrikultura kong bayan!
Magsabi ka ng katotohanan, Oh aking bayan,
Sapagkat lantay mo ang perlas ng silanganan
Taniman ng magandang kinabukasan
Noong unang panahon ito’y aral dalubhasaan,
Pero bakit ngayon ito’y sindak ng kabulagan?
Ang lahi ko’y sumisigaw sa uhaw
Ang kababayan kong tumulo ang luha ilalim sa araw
Na gusto nilang magsuot ng telang bughaw
Dahil ang kahirapan ay patuloy humihiyaw
At ang gutom ay nagsimulang sumasayaw
Umiyak ka! dahil ang tanima’y unting nagkawala
Nagkawala ang agrikultura mong wala na
Ni pinabayaang maghari ang telang pula
Mga dukha naging biktima at may sala,
Ang paghihirap ay lalong lumalala
Kalimutan mo man o pahalagahan
Titibayan mo man o ipaglalaban,
Kabataan ay pag-asa ng bayan
Ito’y aming pahalagahan
‘Pagkat dilag mo’y aming pangalan
Iyong dugo ay aming lunas
Ang ‘yong ngiti’y aming patas
Luha mo ma’y aming talas
Pawis mo ma’y aming dahas
Kalungkutan mo, sa kanila’y lakas
Ang agrikultura kong bayan ay aking bayan,
Ito’y tahanan sa susunod na kabataan
Ang agrikulturang bayan ay kanilang kanlungan
Ang agrikulturang bayan ay aming libingan
Ang agrikulturang bayan ay ating pangalan,
Kaya ito ay ating pahalagahan!
