Ang 212a6ci ay isang bahagi ng INA (Immigration and Nationality Act), ang batas ng Estados Unidos na sumasaklaw sa Imigrasyon at Nasyonalidad.
Ang seksyon na ito ay tungkol sa panlolokong ginawa ng isang aplikante o ng kanyang kinatawan na kumumpleto sa aplikasyon.
Hindi mo maaaring sabihin na hindi mo alam na may kamalian sa pahayag o dokumentong isinumite ng iyong kinatawan o ahente.
Hindi mo rin puwedeng ibigay ang palusot na “My English no good.”
Responsibilidad mong siguraduhin na tama at wasto ang mga papeles at impormasyon na matatanggap ng opisyal ng Estados Unidos.
Minsan, puwede irason ng iyong abugado na talagang hindi sadya ang ginawa mong “misrepresentation.” Ito ay kumplikado at kailangan mong pag-aralan nang mabuti ang lahat ng detalye na nakapaloob sa batas.
Ang tinatawag na “misrepresentation” ay pahayag na hindi naaayon sa katotohanan.
This section of the Immigration and Nationality Act, 212(a)(6)(C)(i), pertains to Material Misrepresentation / Fraud.
A misrepresentation is a statement not in accord with the truth β made by either the visa applicant or his agent on his behalf.